Ang Mapait na Katotohanan

ugly truth

“If you really love your children, get a business, not a job, because when you die your children Cannot inherit your job but they can definitely inherit your business.  In fact when you die on the job, your boss will replace you before your burial.  If your family lived in a company house, They will kick them out before they can say anything.  So when you close from work, don’t go And watch television.  Go home and think of a business idea” ~ Uhuru Kenyatta

Sipag at tiyaga lang ba ang kailangan para umasenso ang isang tao?

Kung ang sagot mo ay YES then kailangan mong basahin ang mga susunod na talata…

Kung ang sagot mo ay NO maaring may idea kana, pero basahin mo parin friend,

Baka may twist itong i share ko sayo ngayon 🙂

Kagabi pauwi nako from repair shop,,,pero nagyayang kumain si Misis.

Btw Jeannette pangalan ng wife ko…

At siyempre sa paborito nyang kainan.. 

Dalawa lang naman yung sa retiro …sizzling plate at yung sa isa sa tapsilogan malapit dito

Sa shop namin…

Pero need mag tricyle kasi halos isang lrt stn ang layo…

So sumakay kami ni Jeannette ng tricycle at habang papunta sa place…

(tapsi style napili nyang kainan) ay may konting business talk on the side…

Siguro 7 minutes ride andun na kami…

Pag dating namin sa tapsilogan umorder kami..

Pay muna bago ihain yung food..

Sa akin chicksilog bawal na ang itlog , kaya lang nakadalawang rice ako..yummy kasi eh

Kaya sa isip ko kinabukasan kailangan makabawi ( gym ulit para pawisan lol)

Si misis chicharon bulaklak ubos din dalawang rice din…

So habang hinihintay ko si Misis matapos, narinig ko yung isang customer …

Sabi nya “ORIGINAL YAN”  pag lingon ko akala ko kung anong pinaguusapan yun pala sino

Ang pinaguusapan…

Si tatay pala yung service/cook  nasa edad 50-60 na ata.

Kasi naalala ko kahit nuong una pang kumain kami andun na yung lalaki bilang cook at service boy 

Di ko alam kung gaano na siya katagal sa trabaho,pero nung nakikila ko yung tapsilogan

At nagpalipat lipat na sila ng lugar andun na siya..

Baka nga dati pang andun yun…

At ngayon lumipat sila sa mas magandang place eh andun parin sya.

Siguro hanggang mag retire sya at manghina na sya, duon na nya uubisin ang lakas

Sa pag sisilbi sa tapsilogan…

Masipag may dedikasyon sa trabaho , saludo ako..

Naalala ko tuloy yung isang nakilala ko tatay din nasa edad 50-60.

May ari sya ng isang auto parts…

Yung mga pyesa ng sasakyan…like manibela, gulong, gears etc…

Actually sya rin may ari ng Gym ko saan ako tumatambay sa umaga para mag ehersisyo

At magpapawis..

Lolo na nga sya actually di ko sure kung ilan na apo nya ,,,,pero kakapanganak lang 

Ng isang apo nya…

Then minsan ng umaga habang pinapaarawan yung baby, narinig ko yung mga Kasama ko sa loob gym…

“Ah Yan ang magmamana ng gym na ito” at siguro pati ng auto parts business (sa isip isip ko lang), 

tatay Edison (yun actually pangalan nya)

Kung makikita natin pareho naman silang masipag, pareho naman silang

Matiyaga pero yung isa namamasukan.

At yung isa nag nenegosyo…

Yung isa pag tanda nya hopefully may ipon sya enough para masuportahan

Ang mga pangangailangan nya like meds, caregiver , food , shelter at hopefully

Yung mga tinulungan nya nung malakas pa sya ay gabayan naman siya

Sa oras na mahina na sya…

Yung isan naman may negosyo…

Pag tanda nya malamang may ipon na.

At malamang mamanahin ang negosyong naipundar nya ng mga anak at maging

Sa kaapo-apohan nya…

Yung isa inuubuos nya ang lakas at talino nya para i build ang negosyo ng iba 

Samantalang yung isa inuubos nya ang lakas at panahon nya para i pundar 

Ang negosyo nya…

Alin sa dalawa ang mas lodi mo?

Kung akong tatanungin mo yung may negosyo…

Kasi kung namamasukan anytime, ano man ang mangyari maari kang 

Palitan ng boss mo…

Kahit anong sipag mo fixed ang sweldo mo…

Kung may negosyo pag mas lalo mong sinipagan mas lalong malaki maiuuwi

Mong pera sa pamilya mo…

Life time career mo na ang pag nenegosyo kasi walang endo at walang mag

Sasabi sayo na “tanggal kana ha wag ka ng pumasok bukas”.

Ikaw may sideline business ka na or full time business?

Big or small at least dapat may naumpisahan kana habang

Malakas ka pa

Namamasukan ka parin ba ngayon?

Pero nag iisip ka ng sideline business or maybe 

Gusto mo ring simulan ang sarili mong business?

I hope to hear from you….

You may reply or maybe comment and tell us your opinion about this…

Your instructor ~ Engr. Edwin Pineda

Related posts

Leave a Comment