“Bakit di kapa nag a-asawa?”

getting married

While looking at these bills, I realized that maybe the person/s on the money has its own purpose.

I think, the reason kung bakit isa lang ang tao sa 20, 50, and 100 ay para i-remind tayo na kapag sila palang ang laging laman ng wallet mo, you are not yet ready for a relationship.

Dalawang tao naman for 500 to inform us na kapag si 500 na ang laging laman ng wallet mo, pwede ka na magjowa🤣😂😂.

Lastly, 3 persons naman for 1000 to tell us na kapag siya na ang laging laman ng wallet mo, you can afford na magka pamilya😂😂.

Hahahahaha! NOW YOU KNOW!
Have a great day !!-ctto

——————————————————-
My opinion about this…

katulad ng payo ng ating mga nakakatanda ang pag aasawa ay hindi parang kaning mainit na pag sinubo at napaso iluluwa mo.

Kasi ang pinaguusapan dito ay buhay…

buhay mo bilang padre de pamilya

buhay ng asawa mo bilang may bahay

at magiging buhay ng mga anak mo pag binayayaan ka.

Sa panahon kung maliit lang ang kita, ika nga pang binata dapat humanap ka ng ibang paraan para madagdagan ang kita mo…

Nung nag graduate ako ng kolehiyo sabi ko “magiging mas maayos na ang lahat”…

Susuweldo tuwing 15/30th ng buwan…

compute and then budget para may maiambag sa bahay at may panggastos pa ako sa araw araw na bayad sa transportation..

at pag kain…

yung dalawang yun ang basic na di dapat balewalain…

kaso kapos parin ang sweldo ko

Alam mo it’s really a big challenge kung tatay kana tapos nakikita mo
ang mga anak mo walang makain sa hapag kainan…

baka nga maluha ka na lang 🙁 ,.,,

yung tipong isang gatang lang yung bigas tapos tatlo pa kayong kakain…

mag luluto ng ulam,,,sardinas kaso walang mantikas masarap sana igisa sa sibuyas may favorite yummm….

pero wala ring pambiling mantika at sibuyas….

talo talo na yan isabaw na lang sa kanin…

So kung mag plano kayong bumuo ng pamilya ng girlfriend mo mag isip kang mabuti..

at kung may pamilya ka pero lagi rin namang kinakapos baka kailangan mong maghanap ng additional source of income
para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya mo at para sa future nila…

Ikaw anong opinyon mo sa usaping ito?

Share your opinon or reply or comment below ….

Related posts

Leave a Comment