Kagabi muntik na akong ma murder :(

Oo kagabi muntik na.

Ganito nangyari kagabi…

Pag close ko ng shop naisip ko mag pa masahe, kasi mga 3 days ng sumasakit yung right side kong balikat saka sa likod ng ulo right side din sa batok.

Pag close namin ng shop umuwi kami, nag pahinga lang akong konti tapos nag paalam nako kay misis, kakain lang (tapos diretso na ako mag pa masahe).

Dun ako kumain sa murang karinderia dito sa amin 20 pesos may ulam kana…

So umorder ako ng isang rice tapos isang pritong itlog na may patatas.   

Then napatingin ako sa T.V channel medyo comedy ang tema kung saan yung dalawang leading lady sa character ay nagaaral maging Captain of the Ship….Marines..

Mahilig din ako sa mga maiinit kaya umorder din ako ng lucky me, “paluto nga po ng lucky me chicken”.

So habang nag hihintay nanood muna ako ng TV.

SA TV may roong dalawang babaeng character sa tingin ko ito yung mag karibal sa pagibig ng lalake…

Lol lagi namang ganun ang tema, may mag karibal at sa  storya silang dalawa ay maglalaban para piliin kung sinong group/platoon na ni represent ang isasali sa yearly tactical inspection ng school…

Sa paligsahan sila ay maglalaban sa pabilisang magbaklas at mag assemble ng riffle…

Sa madaling salita ang nanalo yung bidang babae..

Dumating na yung lucky me kaya kumain na ako…

Kwela talaga yung teacher nila sa Marine School…kaya ma enjoy mo rin yung story.

Anyways pagkakain ko may mission is to go to spa…

Naalala ko meron sa Maceda malapit lang din dito sa amin sa blumentritt.

Sumakay ako ng tricycle at binaybay yung maceda kaya lang unang spa na nakita ko closing na..

Kaya wala na akong maisip kung di mag pamasahe sa Avenida.

Actually sa kalye lang yun parang nasa simbahan ka kung magpapahilot ka.

Pero tested ko na yung nagmamasaheng lalake.   Tapos kahit gabi na andun pa sya

Sa pwesto nya kaya tamang tama rin sa tulad kong gabi kung lumarga…

So pag dating ko sa pwesto nya may minamasahe pa…kaya hintay muna akong konti…

Uupo muna ako sa gilid then may isang matandang babae katabi ng pwesto nya nasa edad 60+ na…

Survivors na…

Inalok ako ng pedicure at manicure habang naghihintay daw sa nagmamasahe…

Siyempre naawa rin naman ako sa kanya kasi may edad na sya nagtratrabaho parin sya

Kahit dis oras na ng gabi.

So pinagbigyan ko na lang…

Kung titingnan mo si Nanay edad 60+ at may suot ng salamin…

Kaya takot din ako…kasi baka ma murder ang paa ko…

Kasi pag nag papedicure ka at hindi marunong yung gumagawa kinabukasan mamaga na ang paa mo

Kasi nasugatan at pag pinaliguan mo pa papasukan ng tubig at mag nana..

At yun ang ikinakatakot ko baka ma murder yung mga kuko ko.

So sumalang ako sa hot seat…

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o sabihin ko na lang kay nanay cancel na lang…

Pero itinuloy ko na lang bahala na kung ma murder…

Walang ilaw sa lugar nayun kung di yung ilaw na nanggaling sa poste ganun kadilim yung pwesto namin.

So una muna binasa nya ng liquid yung mga kuko ko sa paa, left and right…

Next kinuha  nya yung bakal na may talim sa magkabilang dulo at sinimulang kaskasin yung Kuko ko sa paa para pumuti.

Kung minsan nga na papasobra si Nanay sa pagkaskas.  Lumalampas sa kuko nararamdaman ko pati yung balat ko sa gilid ng mga kuko na dadale ni nanay…yikes…

Sunod nyang ginawa nail cutter ginupitan yung mga kuko ko…

At finally ito yung pinaka ni nyerbyos ako yung kinuha na nya yung nipper.

Yikes yung nipper kasi ay parang nail cutter din kaya nga lang para sa mga gilid ng mga kuko ginagamit.

At yun yung ginagamit para matanggal yung ingroin sa kuko especially sa hinlalaki ng kuko..

Kasi pag may ingroin ka ibig sabihin tumutusok na yung humahaba mong kuko sa balat mo.

At believe mo napaka sakit nun.

Kasi tuwing matatabig yung kuko  mo o hinlalaki mo.. ang sakitttttt

So dahan dahan ipinasok ni nanay yung nipper sa mga gilid ng mga kuko ng hinlalaki ko…

Sana naman po hindi ako masugatan ni nanay “dasal ko sa sarili ko”

Kaya nung ginupit nya yung gilid umangat yung kuko tapos ginagamit nya yung bakal namay dalawang talim sa dulo at yun ang ginamit nyang pang tulak sa kuko.

Then finally nung nasa dulo na yung kuko, kinuha nya ulit yung nipper hinatak at pinutol yung kuko na posibleng maging ingroin kung di maalis.

At alam kung ano ginawa nya dun sa kuko?

Nilapag nya dun sa balat ng ibabaw ng hinlalaki na para bang tropeyo…

Kasi kung iisipin mo sa edad nyang yun, kaya pa nyang gawin yung bagay nayun…

At kahit madilim ang lugar na tangin ilaw lang sa poste ang  nag sisilbing ilaw…

Nagawa nya.  Nagtagumpay pa siya.

Isip isip ko tuloy….Yehey di na murder paa ko….

finished pedicure ni nanay…tagumpay…

Alam nyo kung ngayon mahirap ang sitwasyon ,,,, never say give up…

Fight lang…

Kahit anong hirap at kahit ano man ang nararananasan mo ngayon isipin mong yan ay pansamantala lang…

Kasi pag nagtagumpay ka kahit anong hirap man ang naranasan mo hindi ba mas matamis tagumpay?

Katulad ng post sa FB nung nakaraan,,,, there will never a perfect time para maumpisahan mo ang business mo….

For sure marami kang iniisip,, isinasa alang alang parte ng pagsubok yan…

Pero in the end pagdating nung time na kumikita kana,,, na di kana kinakapos para masuportahan ang pamilya mo dun mo ma realized…

“ay tama pala dapat nag patuloy ako”

Kasi kung sa umpisa palang sumuko kana, asahan mo walang tagumpay sa bandang huli.

So let’s go back paggising ko today…ayus naman yung paa ko walang masakit…

Yung sa likod na balikat ko meron parin…(baka mag pa checkup ako bukas sa ospital para sure 🙂

About Your Instructor:

Engr. Edwin Pineda is known as the most sought after
mobile technician instructor in the mobile repair industry.

He has helped people increase their income on the side
or start their own business repairing cellphones.

He is a licensed Electronics and Communication Engineer (ECE)
and has more than 10 years of experience repairing all kinds of cell phones.

He specialized in repairing smartphones including Android, iPhone and iPad.

He believes that the shortcut to success in life is by having
Consistent and Unlimited High Income Skills!!!

Related posts

Leave a Comment