Why not now? Why wait?

It’s been awhile since I write to you….

But before anything else I would like to greet you… Happy New Year!!!

Medyo naging busy last year….

First nalaman ko highblood pala ako…high blood is real oo…

Kaya pala kahit anong pamasahe ko sa balikat ko may sintomas na pala ako ng

Highblood, checkup sa doctor, laboratory then checkup again…

Finally i need to take up medicine for my high blood, i’m not sure kung maintenance na ito

Malaman ko this year kung may pagbabago…

Then back to gym kung dati pasulpot sulpot lang ako nung binata ako ngayon, hahaha

It is must na para sa healthy lifestyle..

Then back to basketball every sunday morning….

Ber months I am attending training in laptop repair…

I attended 2 training in a row about laptop repair and by now I’m practicing 

From what i learned hopefully soon when the time is ready i could teach you 

As well how to fix laptop but for the meantime let’s focus first on mobile repairing.

Then dumating ang December busy na rin sa cellphone repair shop and also

We have ongoing trainings….

So now here i am again with you…

I am so excited for this year!!!

Alam mo last year ito ang natutunan ko about sa high blood….

Sabi ko nun before ko madiskubre na may problem ako about high blood eh

Nung bata naman ako active ako…kahit tanghaling tapat, tirik ang araw sa init at sikat tuloy 

parin ako ng pag Lalaro ng basketball, sa isip ko di ako tatamaan ng kahit anong sakit….

Kaya mentality ko nun oks lang walang exercise, basta kumakain ng gulay

Actually malakas ako sa mga noodles at maalat , toyo na may kalamansi…

Sawsawan sa ulam…

Kaya panatag ang loob…

Pero one night, saturdate with my wife, pag gising parang hindi na normal ang

Nararamdaman ko…

Hindi nakuha sa pahinga at masahe , kaya nung nag pa check up ako…

Sabi ng doktor from BP high blood daw ako,,,then to be sure, nag pa laboratory ako,,,confirmed

May highblood ako…

Ganun pala kung pag uusapan ang health…

Hindi pala yun dahil bata ka pa o dahil malakas kapa isasawalang bahala

Mo na yung kalusugan mo…

Ito pala ay lifestyle mo na dapat, araw araw o oras oras nasa isip mo at nasa puso

Mo kasi kung nag pabaya ka….

Tsk..tsk..tsk..

Kung hindi ospital eh sementeryo ang kakahinatnatan natin….

Paano na yung mga taong umaasa sa atin? Ang pamilya natin? Di ba

Sila rin naman ang unang maapektuhan?

Ito ang ang pananaw ko sa larangan ng pananalapi…

Ito ay lifestlye…..

Pero about health dapat ganun din pala

Kasi kung ngayon may trabaho ka kasi bata kapa at malakas ka pa,,,

Eh paano na pag dumating ang panahon retirement ka na,,,kung may naiipon

Ka sa trabaho maganda yun, eh paano naman kung wala di ba dapat ihanda

Mo rin ang sarili at ang pamilya para makapag transisyon ka sa business?

O kaya naman habang maganda pa kita mo sa trabaho mo, nakakaipon ka,

Sabayan mo ng business, para pag dating ng retirement… may ipon kana may negosyo

Ka pa…

Kasi kung masaya ka ngayon sa ginagawa mo sa trabaho mo…

Akala mo wala ng katapusan yan……at hindi kana nag hanap ng ibang

Paraan para kumita…

Think again….

Eh baka dumating yung time ,,,kung kailan wala ka ng trabaho saka ka pa

Magkukumahog mag hananp ng puhunan, mag hanap ng business partners kung

Kailan wala kang ipon???….

Kaya nga ako ngayon double time ako sa exercise saka diet  kasi napabayaan ko

Yung tungkol sa health ko na dapat…exercise din pag may time lol….

Sabi nga nila habang may buhay may pag asa…

So umpisahan mo na,,, wag ka ng mag hintay pa sa wala….

Now is your time…Now is your Year!!!

Speaking of making extra income or full time business repairing cell phones,,,

dun kita maaring matulungan…

Send me pm if you want to start now…

Related posts

Leave a Comment