May nanalo na?

barangay election busy

Kahapon ay busy nanaman tayong mga pilipino sa pag sasagawa ng brgy election.

Marahil ang iba sa atin tumakbo para sa posisyon sa brgy o maaring ang kamag-anak natin.

Lahat tayo excited malaman kung sino ang mananalo pero ang tanong maari ba silang makatulong sa ating buhay sa larangan ng financial o pangkabuhayan?

Kung oo ang sagot mo, magaling ang ibinoto mo.

Pero madalas naman ang nangyayari eleksyon kaya ka nila kilala.

Eleksyo kaya ka nila kinakamayan…bati, bati muna pag katapos ng eleksyon dalawang taon ulit kayong di magkikita.

Eh ano naman yun sayo,,, sa bandang huli tanging ikaw at ikaw lang ay may kakayahang mabago ang buhay mo at ang pamilya mo.

Hindi ang kawagad niyo, hindi ang baragay chairman niyo at lalong hindi ang gobyernong ito.

Maari ka nilang matulungan sa mga maliiit na bagay pero kung gusto mo ng malaking pagbabago sa buhay mo at sa mga taong nakapaligid sa yo dapat ay magumpisa sayo.

Kung may trabaho at mahal mo trabaho mo , masaya ka sa ginagawa mo pero kapos naman ang kita why not start sideline income? Katulad na lamang ng student natin na si sir Rogelio Remis

actually dun nga ako nagsimula. teacher sa isang computer school 8-5 tapos cellphone tech 5pm onwards… slowly lumaki income ko part time then nag full time ako…

Kung sawa kana sa trabaho mo at yung tipong sa palagay mo di kana aasensyo at hindi mo na rin maka sundo supervisor mo na hindi nag sha share ng skills/talent nya then why not start your own business..

Kung may business ka hawak mo oras mo. Pwede kang pumasok anytime you want kasi ikaw mag dedecide kung magkano ang kikitain mo sa isang araw.

Hindi ka naka kulong ng 8 oras sa office.

walang mag sasasabi sayo na “Mr Pineda 512 lang ang iuuwi mong pera today”

Kahit mag patambling , tambling ka pa sa office, kahit anong pakikisama mo sa masungit o madamot mong supervisor ganun parin….

dahil kung may business ka income opportunity is unlimited. siyempre depende sa skills mo na maari mo namang matutunan sa training natin.

Hindi mo kailangang ubusin ang 8 hrs mo para kumita ng 512…

Sa pag rerepair ng cp kaya mong kumita ng 300/hr o minsan pa nga per minutes…

Merong 1000/hr depende rin sa unit na gagawin.

Dahil skills ang binabayaran sa atin hindi dahil mabilis o matagal mo nagawa ang cellphone at hindi dahil 8 oras kang nag trabaho para ayusin mo ang cellphone niya…

So sinong nanalo? Eh di ikaw kasi gumawa ka ng paraan para matulungan mo ang sarili mo at nga taong nakapaligid sayo.

Maaring masuportahan mo pag aaral ng mga mahal mo sa buhay (anak mo at kapatid mo kung ikaw ang breadwinner sa pamilya, mabigyan ng maayos na tirahan na masisilungan kung taginit man o tag araw. at higit sa lahat…

Magkapag uwi ng pera sapat para mapakain ang iyong pamilya.

Mahirap pero talagang darating sa buhay natin na…

Isang sardinas, isang takal na bigay tapos tatlo kayo…siyempre ikaw ang ama unahin mo munang pakainin mag ina mo…

tapos gusto mo pang igisa yung sardinas,, walang mantika. bawang isang piraso lang, eh di saidin mo yung bote ng mantika baka may makuha pa kahit konti 🙂

ganun tayo eh… kung kailan nahihirapan saka natatauhan…

Habang may oras pa, habang may budget pa , habang malakas ka pa, start investing in yourself…

“VOTE WISELY”….este use your money wisely….

Invest in yourself. Investment that will make your more money.

Send me pm kung gusto mong manalo sa buhay na ito…

Related posts

Leave a Comment